Posted in wattpadstory

My Almost Perfect Girl

Abala ako sa pagbabasa ng article sa computer nang may kumatok, “come in.”

Pagpasok, hindi ko na siya nilingon dahil base pa lang sa pabangong bumalot sa buong kwarto ay kilala ko na siya.

“Good evening sir, ito na po ‘yung charts na kailangan niyo.” Linapag niya sa table ang mga folder.

“Salamat, pwede ka ng lumabas.” Napahinto ako sa ginagawa ko, paglingon ko, masama siyang nakatingin sa ‘kin.

Nagsalubong ang kilay ko nang bigla niyang tinukod ang dalawang kamay sa lamesa, yumuko at hinila ang neck tie ko. “Ano’ng ginagawa mo?”

“I’ve lost my energy… need to recharge.” Bago pa dumampi ang labi niya sa akin ay pinitik ko siya sa noo.

“Ouch! Bakit ka nananakit? Pwede mo namang sabihing ayaw mo.” Daing niya, inirapan ako habang nakahawak sa kanyang noo.

Hindi naman sa ayaw ko, nag-iingat lang dahil baka biglang may makakita at sigurado ako na wala pang bukas, pinag-uusapan na kami. Ayokong dumating ang araw na sabihin nila na kaya siya nandito ay dahil sa ‘kin. Saksi ako sa hirap at pagod niya para marating kung nasaan man siya ngayon.

“Tapusin mo na nga ‘yung dapat mong gawin.” Utos ko at itinuloy ang ginagawa ko. Nagulat ako nang bigla siyang nagpapapadyak na parang batang inagawan ng laruan at humiga sa sofa.

“I’m tired! Ang sakit ng paa ko, ng tuhod, ng balikat, ng ulo… lahat na.” Tatawa-tawa akong tumayo, dinampot sa sahig ang mga throw pillow na pinagsisipa niya at pinatong sa center table.

“I deserve a rest, I deserve to sleep, I deserve to eat and most important… I deserve a kiss!” Sinisipa niya ang armrest ng sofa kung saan siya nakahiga.

“Masira mo ‘yan wala akong pamalit… hindi pa ako sumusweldo.” Huminto siya pero masama namang tumingin sa ‘kin.

Lumuhod ako, inalis ang braso niyang nakatakip sa mukha. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at dinampian ng halik ang kanyang labi.

Lalong sumimangot ang ekspresyon ng mukha niya, “more,” sabi niya at pinahaba ang nguso.

Tinitigan ko muna siya bago simulang halikan. Napapikit ako nang ipulupot niya ang mga braso sa aking batok. Sa tagal ng ginagawa namin, nalasahan ko ang lipstick niyang strawberry flavor pati na rin ang kinain niya, friend chicken. Tumigil kami nang parehas na mawalan ng hangin.

“More,”

“Namihasa ka naman,” kinurot ko ang pisngi niya at tumayo.

“Ang damot,” sabi niya sabay irap.

Umupo ako kung nasaan siya, ipinatong ang mga paa niya sa hita ko. Habang nagku-kwento siya tungkol sa nangyari at reklamo niya ay minamasahe ko ang binti pati na rin ang paa.

“Isa ka rin sa dahilan kung bakit ang sakit ng katawan ko… ang dami mo laging inuutos.” Natawa ako sa sinabi niya. Sinasadya ko talaga minsan na damihan ang pinapagawa sa kanya, lahat ng ‘yun ay para din sa ikabubuti niya, para may matutunan at maging handa sa pwede niya pang harapin.

Bumangon siya at umayos ng upo. Lumapit sa akin, yumakap at isinandal ang ulo sa dibdib ko. Awtomatikong pumulupot ang braso ko sa bewang niya at hinaplos ang buhok.

“Nahirapan ka rin ba nu’ng ikaw ‘yung nasa posisyon ko?” Tumingala siya sa ‘kin, tumango ako.

“Sorry,” hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Wala naman dapat siyang ihingi ng tawad dahil isa siya sa mga rason kung bakit naabot ang pangarap ko.

Umayos siya ng upo, “can we go home?” tanong niya. Tiningnan ko ang relo sa palapulsuhan, “may gagawin pa ako. Mauna ka na.”

“Okay, just let me stay here for atleast 20 mins.” Mahihimigan ang lungkot sa kanyang boses.

Payakap na siya sa ‘kin nang tumunog ang intercom, “oh my ghad! No, no, no…”

“Code blue, 2nd floor, room 212.”

Tumayo ako para sagutin ang tumatawag sa cellphone ko.

“Okay… please, call the doctors in other departments… ha?… Okay, okay… thank you.” Napapikit ako at napabuntong-hininga.

“Bakit?”

“In less that 20 minutes, may darating na sampung TA patients, may emergency sa ibang ward kaya kulang ang doctor…”

“Oh no! Bakit naman sabay-sabay,” napahilamos siya sa mukha. “Wait, ‘yung titig mo… don’t tell me…” tumango ako.”

“Oh my God! Seriously? Alam mong—” hindi ko siya pinatapos magsalita.

“Kailangan kita. Tutulungan mo ba ako?” Napapikit siya at yumuko.

“Do you think I can do this?”

“I trust you.” Nilahad ko ang kamay sa harapan niya. Napangiti ako nang tanggapin niya ito, pinagsaklob ko ang kamay naming dalawa.

Magkahawak-kamay kaming lumabas ng opisina ko at patakbong pumunta sa emergency room.

———

Hi! If you like it, continue reading this on wattpad. Just search my username: verybella_ Grazie, Bellas! 💛

Posted in about me

Blog Questions #1

Yesterday while fixing my things, I found my 2018 journal notebook. I was teary-eye while reading it. Hindi ko alam kung ano’ng meron sa akin back then para masulat ang mga ganoong bagay.

Anyway, I want to share my answers on my ‘Journal Questions’ but I change the title because I decided to make another blog questions to share it with you guys and also to know me a little more. So, let’s start…

1. What did you want to be when you were a kid?

I don’t remember what I want to be but my dream when I was a kid… to have a complete family.

2. When is your birthday?

29th of December 19xx (please, greet me on my birthday. Thank you 😜💛)

3. What is your dream job?

Working in office and wear a different office or business attire. (Facepalm 😅)

4. What is your favorite breakfast?

Fried rice, hotdog, egg and longganisa (Filipino breakfast is the best 😊)

5. Do you want children? How many?

Yes. Four, 2 boys and 2 girls (they already have names)

6. Who is your celebrity crush?

Park Chanyeol of EXO 💛

7. Who is the last person you kissed?

Uhm, I don’t remember because it was long time ago 😔 haha lol

8. How was your day today?

Not good because of my brother. (Just wondering what my brother did.)

9. How much money is in your wallet?

P 1,670.50 I need more cash

10. What is your favorite color?

pink, red, yellow and blue (so many)

11. Who are you in love with?

myself

12. What is your best memory last year?

When we went to Palawan for a vacation. (I miss outside world 😔)

13. What is the last food you ate?

Fried chicken 💛

14. Are you a morning or night person?

Night person

15. If you could talk in your sleep, what would you say?

Too many to mention. Just read my journal.

16. On a scale 1 to 10, how cool are you?

10 because I’m a dude with a cool attitude. Joke! IDK, just rate me.

17. Do you prefer writing with black or blue pen?

Both

18. Would you prefer to live in the country or the city?

Country

19. Do you prefer reading in paper or electronic books?

In paper but I don’t have so much money to buy books so I just read through my cellphone.

20. Do you consider yourself a romantic?

Sometimes

This is my first entry for Blog Questions. I hope you enjoy reading it. Thank you and have a nice day!

P.s. If you have some questions to ask, just leave a comment. Thank you 😊

xoxo❤

Posted in Sunday Currently

Sunday Currently | 03


I promised that I will be active to my blog but I only post every Sunday. I have so many drafts and I don’t know when will I upload it. Anyway, here’s my entry for ‘Sunday Currently’.

Currently…

Reading

Safe Skies, Archer. It’s a wattpad story by 4reumcint. I love the characters and the writing style is good.

Writing

this blog. I’m still working to finish my story. Nawawalan ako ng ideas kaya natatagala akong tapusin yung sinusulat ko.

Watching

final episode of 2gether: The Series Sarawat is my ideal boyfried 💛

Listening

Dessert by Dawin. I don’t know why but I got LSS to this song. Napapasayaw pa ako tuwing pinapatugtog ko ito and I hate it haha.

Thinking

how my notebook to look aesthetic.

Smelling

the fabric softener on my bed sheets and pillows.

Wishing

mawala yung sakit ng balakang ko because it’s so hard to move.

Hoping

that everything will be okay after this problem that we’re facing.

Wearing

a black sando and a printed cotton shorts.

Wanting

to have courage and confidence.

Needing

a job. I really want to get a job so I can buy all the things that I want. Shutanginames.

Loving

myself for being masipag para i-edit yung sinusulat kong story.

Feeling

nothing. I don’t feel anything right now. Just neutral.

Thank you for reading! I hope you have a nice weekdays ❤ ciao!

Posted in Drama Series

Drama Series

Hi! So, I decided to make a blog post about Drama Series. It might be a long list because I include all the Series I have watched. Most of them are highly recommended. And, if you have some recommendations, please do comment. Thank you 💛

1. Cheese in the Trap (Korean) 🌟🌟🌟.5

2. Legend of the Blue Sea (Korean) 🌟🌟🌟🌟

3. Weightlifting Fairy Kim Bok Joo (Korean) 🌟🌟🌟🌟

4. Goblin (Korean) 🌟🌟🌟🌟

5. Romantic Doctor Kim 1 and 2 (Korean) 🌟🌟🌟🌟🌟

6. Doctor Strange (Korean) 🌟🌟🌟🌟

(Gusto ko ‘tong bigyan ng 5-star kaya lang inis ako sa ending)

7. It’s Started with the Kiss 1 and 2 (Taiwanese) 🌟🌟🌟🌟🌟

This series never gets old. Every time I watch it, I feel so kilig pa rin.

8. Playful Kiss (Korean) 🌟🌟🌟🌟🌟

9. Memories of Alhambra (Korean) 🌟🌟🌟.5

10. Vagabond (Korean) 🌟🌟.5

11. Kingdom 1 and 2 (Korean) 🌟🌟🌟🌟.5

12. Crash Landing on You (Korean) 🌟🌟🌟🌟🌟

I want a Captain Ri in my life 😢

13. Doctor John (Korean) 🌟🌟🌟.5

14. Prison Break (American) 🌟🌟🌟🌟🌟

15. Money Heist (Spanish) 🌟🌟🌟

My rate will gonna change because I’m still watching it.

Posted in Sunday Currently

Sunday Currently | 02

Hi! I have ten minutes to finish this blog. And, I can’t believe that I have a second entry for ‘Sunday Currently’. So, let’s start!

Currently…

Reading

I’m still reading Meet Cute by Helena Hunting. It’s been a month (I guess) since I started to read it and I’m on chapter 12 pa lang. Hindi ko alam kung bakit ang bagal kong magbasa. The story is good naman kaya lang tinatamad ako, maybe because… it’s romance novel? I don’t know but I noticed that when I read contemporary romance novel, I feel so lazy to finish it and I feel sometimes cringe and corny na kaya siguro gano’n. Anyway, I need to finish reading it kasi it’s in my TBR. Oohh, if you have a good romance book suggestion(s), just comment it. Thank you 😊

Writing

This blog and the short story that will be publish on Wattpad.

Watching

Money Heist. Please, forgive me kung ngayon ko lang siya papanuorin. I didn’t finish watching Prison Break kasi I feel so tired (ako yung napapagod sa ginagawa nila) tapos namatay pa si Michael, it’s so sad (I miss him, char not char haha) Anyway, back to Money Heist. Me and my family currently watching it and it was so awkward every goddamn time there’s a sex scene. (Because of the ECQ, naging bonding na namin manuod ng series or movies) Shuta! Kapag may sex scene hindi ko alam gagawin ko eh, kunwari nagce-cellphone o kaya naman kunwari hindi affected sa pinapanuod. I really want to fast forward it kaya lang… it make feels more awkward. Kung ako lang mag-isa nanunuod nun, baka pinaulit-ulit ko pa haha. We’re on S2;Ep.3. Tokyo and her boyfriend are getting on my nerves! Naiinis ako sa kanila sa totoo lang, wala ng ginawa kun’di maglandian. Dahil sa kanila masisira pa yung plano eh. Bwiset! But, I don’t know what will happen on next episodes kaya, don’t judge them. P.S. I like Nairobi 💛

Listening

When I look at you by Miley Cyrus. I keep listening on it everyday. Sa tuwing papatugtugin ko ‘to, lagi ko ‘tong sinasabayan sa pagkanta with emotions.

Thinking

Another short story running on my head. Hindi pa nga ako tapos sa una then may naiisip na naman akong bagong kwento. Hay nako, kailan ko kaya matatapos yun? Hanggang isip ko na lang eh.

Smelling

the oil I put on my neck.

Wishing

To my dreams come true. 😔

Hoping

to finish the short story that I am writing. I really want to finish it kasi may naiisip akong bagong story and bagong hobby.

Wearing

A green sando and dark blue cycling shorts. Ang hilig ko sa mga hindi matchy yung colors haha.

Wanting

To loose some weight but at the same time, I’m craving for Sisig and Shawarma. We’re on ECQ kaya until now, hindi ko pa rin sila nakakain.

Needing

a boyfriend, para makain ko na yung cravings ko haha joke lang 😜 pero seriously, kailangan ko ng kasipagan para matapos ko na yung mga gawain.

Loving

the smell of my shampoo. I won’t tell what brand is it 😜

Feeling

Nervous. I’ve been on my period since Monday. Kinakabahan ako kasi it takes 3-4 days lang usually tinatagal ng period ko then until now meron pa rin ako and tapos heavy flow pa. Kaya natagalan din ako mag-post nito kasi pabalik-balik ako sa CR. Anyway, I hope it will end na kasi I feel so uncomffortable na eh.

Oooh shoot! Inabot ako ng Monday to finish this but I assure you that all this thoughts were on Sunday pa. Thank you for reading and I hope you enjoy it. Have a lovely weekdays! 💛💛💛

Posted in Sunday Currently

Sunday Currently | 01

Hi! This is my first entry for ‘Sunday Currently’. Honestly, I’ve wanted to write this kind of blog a long time ago but every time I will write I feel so lazy and sometimes I forgot to do it. But now, I decided to be active and write all ideas that I have or if I have a free time. So let’s start!

READING

meet cute by Helena Hunting.

WRITING

beside this blog, I currently writing a short story and will be publish it on wattpad.

WATCHING

first, Prison break, this series revolves around two brothers, Lincoln Burrows and Michael Scofield (I have a crush on Michael) Lincoln Burrows has been sentenced to death for a crime he did not commit, and Michael Scofield make a plan to help his brother escape prison and clear his name. I watch this series with my family and we’re on Season 4. Second, The Good Doctor, it’s a Korean Drama and I’m on Episode 18. Third, 2gether: The Series (Thai TV series) Tine has a gay admirer in his university named Green. To get Green to leave him alone, his friends convince him to make Sarawat (popular and attractive guitarist and soccer player) his fake boyfriend. After his first attempt fails, Tine joins the music club, where Sarawat is a member. Eventually, Sarawat agrees to Tine’s offer but comes to a point where he wonders when their fake relationship will end.

LISTENING

to the sound of our electric fan.

THINKING

about how would I finish what I started.

SMELLING

Lysol disinfectant spray (color violet)

WISHING

to live my life to the fullest.

HOPING

everything will be alright. Especially, after this pandemic.

WEARING

a black t-shirt with ‘I ❤️ Qatar’ written on it and a violet cotton short. So jologs.

LOVING

uhm… as of now, none.

WANTING

a boyfriend because I want a hug. A tight hug until I couldn’t breathe anymore char!

NEEDING

a job so I can have money to buy a laptop. (Shuta mars, hirap mag-type sa phone 🙂

OMG! Finally, I have an entry for this kind of blog. Anyway, have a good day and thank you for reading. Hope you enjoy it. Ciao! 💛

Posted in one shot story, Uncategorized

#2 Hi Wife! ( one shot tagalog )

“Alice! Alice! Gumising ka na riyan at buksan mo ‘tong pinto.” Sigaw ni Daddy habang kumakatok, I mean kinakalampag ang pinto ng kwarto ko.

Hindi ko siya pinansin at nagtakip ng unan sa tenga. Muli niyang tinawag ang pangalan ko. Pinabayaan ko na lang dahil alam kong titigil din siya.

Ilang minuto lang ay hindi ko na narinig ang boses niya kaya umayos ako sa pagkakahiga para muling matulog.

“Hoy!” Napadilat ako ng may sumigaw at pumalo ng unan sa ulo ko. “Mapapaos na ako kasisigaw sa’yo hindi ka pa rin gising.” Umupo ako at nakasimangot na tumingin sa kanya.

Next time, itatago ko na ang key duplicate ng room ko para walang mang-iistorbo kapag matutulog ako.

“Tumayo ka na riyan.” Utos niya sa akin.

“Dad, it’s Sunday! Lemme take a rest.” Humiga ako at nagtalukbong ng kumot.

“Bumangon ka na at ‘wag mong sasabihin na pagod ka dahil ipapaalala ko lang sa’yo na wala ka namang ginagawa para mapagod ka.” Kahit anong gawin kong pagtakip sa tenga ko ay rinig na rinig ko pa rin ang boses niya.

“Dad, ipinapaalala ko rin sa’yo na may trabaho ako mondays to fridays.”

“Trabaho? Eh wala ka namang ginagawa sa opisina kun’di mag-cellphone nang mag-cellphone. Bumangon ka na nga riyan!” Sigaw niya at hinampas ako ng unan.

Paanong di ako magse-cellphone eh ang boring ng trabaho sa office, paulit-ulit lang ang ginagawa. Ayoko naman kasing magtrabaho sa company niya. Papalayasin niya raw ako kapag hindi ako nagtrabaho ro’n kaya ayun, napilitan na lang ako.

Sa totoo lang gusto kong mag-artista pero ayaw niya, wala raw kasing kasiguraduhan kung sisikat ako. If I know kaya hindi niya ako sinuportahan ay balak niyang ipamana ang company sa akin.

“Kapag hindi ka pa tumayo riyan ay kakaladkarin kita pababa.” Ahh! Dinaag niya pa si Mommy sa lakas ng boses niya. Nagpapapadyak akong tumayo ng kama at nakasimangot na tumingin sa kanya.

“Samahan mo si Manang, bumili ng mga iluluto mamaya dahil may bisita tayo.” Magrereklamo pa sana ako pero lumabas na siya.

Padabog kong sinara ang pinto ng CR. Hindi na ako naligo dahil magagalit na naman si Daddy kapag matagal akong nakababa.

Nagsuot lang ako ng slippers, denim shorts at white t-shirt dahil sa supermarket lang naman kami pupunta.

Pagbaba ko ay naabutan ko si Daddy sa sala na nagbibigay ng instructions kay Manang ng mga bibilhin. “Isama mo si Alice para may magawa naman ‘yan dito.” Tumango si Manang at hinila na ako palabas.

Pasakay na ako sa kotse nang makita ko si Mommy na may dalang mga bulaklak galing garden. “Good morning, Mommy!” Nakangiting bati ko sa kanya.

“Oh baby, good morning din.” Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi ko. “Sasama ako kay Manang bumili ng mga lulutuin para mamaya.”

“That’s good, magpaturo ka kay Manang kung paano ang tamang pagbili ng isda, karne, prutas at gulay dahil magagamit mo ‘yan, anak.” Kumunot ang noo ko dahil hindi ko gets ang sinasabi niya. “Sige na, umalis na kayo at marami pa akong aayusin sa loob.” Tumango ako.

Habang nasa loob ako ng sasakyan ay napansin kong busy sa paglilinis ng bahay ang lahat ng kasambahay namin. May naggugupit ng mga puno at damo at may naglilinis ng fountain. Mukhang importante ang bisita namin dahil buong parte ng bahay namin ay nililinisan ito.

Medyo malayo pa naman ang pupuntahan namin kaya natulog muna ako. Napuyat ako kagabi dahil um-attend ako ng wedding ng isa sa mga kaibigan ko. Halos lahat na ng kaibigan ko ay kinasal na, kailan kaya ako?

“Alice, anak gising na at narito na tayo.” Napasarap ang tulog ko kaya ‘di ko namalayan na nandito na pala kami.

Kinusot ko ang mata ko at tumingin sa labas. “Manang! Bakit nandito tayo sa bayan?” Gulat na tanong ko sa kanya.

“Dito tayo mamalengke dahil mura dito.” Sagot niya. “Why not sa supermarket or grocery stores?” Tanong ko sa kanya pagbaba ng kotse.

“Kagaya nga ng sabi ko mura dito, fresh ang mga tinda at isa pa, sa pagbili natin dito ay malaki ang maitutulong natin sa mga nagtitinda rito.” Tumango na lang ako dahil kung makikipagtalo pa ako sa kanya ay for sure ay pangangaralan na naman niya ako.

Well, she has a point naman pero kasi… first time at ayokong pumunta sa palengke dahil sa maraming dahilan.

“Yes sir… opo.. kasama po namin siya.” Napalingon ako sa driver namin. “Ma’am Alice, sabi po ni sir ay sumama ka raw po sa pamimili.” Balak ko pa man magpaiwan at hintayin na lang sila rito sa kotse pero naunahan na ako ni Daddy.

I have no choice kaya sumama na rin ako sa kanila. Nakasunod ako sa kanila nang biglang may bumusina. Galit na lumingon ako sa kanan. ‘Wag niyang ipagmayabang sa’kin ‘yang hammer niyang sasakyan baka basagin ko pa ‘yan.

“Ma’am, ayos lang po ba kayo?” Tanong ng driver namin. “Opo. Bakit ba dito siya dumaan? Alam naman niyang bawal ang mga sasakyan dito. Bida-bida masyado.” Umirap ako sa sasakyan at muling naglakad.

“Siya po kasi ang may-ari nitong buong palengke.” Muli akong tumingin sa sasakyan na nakapatay na ang makina. So? Baka bilhin ko pa ‘tong buong palengke niya.

Malayo pa lang ay rinig na rinig na ang ingay na nagmumula sa loob. Tunog ng pinagkikiskis ng kutsilyo, pag-chop ng mga karne, kanya-kanyang tawag sa customer para bumili sa kanya at ingay na nagmumula sa mega phone na paulit-ulit na nanghihikayat ng mga customer na bumili.

“Miss beautiful, ano’ng hanap mo?” Tanong sa akin ng tindero at hinawakan pa ako sa braso. Nakangiting umiling ako. Baka bigla niya na lang ako saksakin kapag tinarayan ko siya.

Akala ko ay wala ng balak bumili si Manang dahil kanina pa kami paikot-ikot. Nasa likod lang niya ako at hinihintay makapamili at makipagtawaran.

“Ako na po ang magdadala.” Kinuha ko sa kanya ang dalawang plastic bag. Ayoko naman mahirapan si Manang dahil medyo may edad na rin siya. “Ano po ba ‘tong binili niyo at parang marami.” Namamanhid na ang kamay ko dahil sobrang bigat ng dala ko. “Limang kilong baka at tatlong kilong buto-buto. Akin na ang isang plastic baka nabibigatan ka.”

“Okay lang po kaya ko na ‘to.”

Pinaiwan niya ako sa tabi dahil bibili raw siyang liempo. Hindi raw kasi maganda ang tinda sa binilhan namin kanina. Paano niya kaya nalaman na hindi maganda yun?

Napalingon ako sa kaliwa nang makarinig ako ng ingay. Yung ingay na parang nagkakagulo. Baka may mag-away pa rito at madamay pa ako.”Ate, ate, ate.”

Napatingin naman ako sa kanan kung saan may kumakalabit sa akin. “Ate, bili ka na po.” May batang nagbebenta ng bag na gawa sa sako. Muli niya akong kinulit para bumili. “Ayoko.” Sabi ko sa kanya. May nag-offer na rin sa amin kanina ng ganyan pero sabi ni Manang ay meron na raw kami at naiwan lang daw sa kotse. Kaya pala wala ang driver namin dahil naiwan ang bayong ni Manang sa kotse at ipinakuha niya ito.

“Ate sige na po, bumili ka na. Matibay po ito tsaka ang ganda niyo pa po.” Pagpupumilit niya pa.

“Thank you pero hindi pa rin ako bibili.” Inalis ko ang tingin sa kanya at muling lumingon sa kaliwa dahil papalapit na ang ingay.

“Nandiyan na si Boss, ready mo na yung bayad natin.” Rinig kong sabi ng tindero na nasa tapat ko.

“Magandang umaga sa inyo, ano? Ayos ba ang benta?” Hinanap ko ang malalim na boses ng nagsalitang lalaki. “Magandang umaga rin boss, medyo okay naman.” May nakatalikod na lalaki na nakasuot ng black t-shirt, denim pants at white boots na pangbaha. Siguro siya ang boss nila dahil nakita kong nagbigay ng pera ang isang tindero.

“Ate pahingi na lang po kahit limang piso, ‘di pa po kasi ako nag-aalmusal.” Isa sa dahilan kung bakit ayokong pumunta sa mga ganitong lugar.

“Nasaan ba ang magulang mo? Dapat sa kanila ka humingi ng pang-almusal at hindi sa akin dahil hindi naman tayo magkamag-anak.” Muli akong tumingin kung nasaan ang lalaki. Busy siya sa paniningil sa mga tindero dito sa palengke.

“Patay na po ang tatay ko at may sakit naman ang nanay ko. Ako po ang inaasahan ng apat ko pa pong kapatid. Kaga—”

“Stop.. stop.. stop.. hindi ko sinabi na ikwento mo yung buhay mo.” Kumuha ako ng pera sa wallet ko at ibinigay sa kanya. “Wow! Ate ang dami naman nito. Maraming salamat po. Malaking tulong po ito sa amin.”

“First of all, ‘wag mo akong tawaging ate dahil hindi tayo magkapatid. Second, siguraduhin mo lang na ibibili mo yan ng pagkain at gamot. Third, alagaan mo ang kapatid at nanay mo, ‘wag kang pasaway. And last, mag-aral ka para magkaroon ka ng magandang trabaho at makatulong sa pamilya mo. Gets mo?” Nakangiting tumango siya. “Sige na sige, umuwi ka na sa inyo.” Pagtataboy ko sa kanya.

Nakatingin lang ako sa bata habang masayang naglalakad. Kaya ayokong pumunta sa ganitong lugar dahil nakakainis, nakakakita ako ng mga batang kagaya niya, mga batang nagtatrabaho imbes na nag-aaral at ini-enjoy ang pagiging bata nila. At mas naiinis ako sa mga magulang nila, kulang na nga ang kinikita nila, sige pa ang anak, kaya ayan, ang mga anak nila ang nagdurusa.

Hindi rin naman kami galing sa mayamang pamilya pero sinikap ng magulang ko na umunlad ang buhay namin kaya kahit lagi akong binubungangaan ni Daddy ay malaki ang pasasalamat ko sa kanila. Kung’di dahil sa kanila ay hindi ko mararanasan ang ganitong klase ng buhay.

“Ma’am, pasensya na po at natagalan. Kumain po kasi ako eh.” Saktong paglingon ko sa kanya ay ang pagdaan nung lalaki. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil naharangan siya ng driver namin. Pinausog ko siya upang makita ko ang lalaki pero nakatalikod na ito.

Pagkatapos ni Manang bumili ng karne ay sa isdaan naman kami pupunta. Pababa pa lang kami ng hagdan ay naaamoy ko na ang lansa ng mga isda.

Compare sa bilihan ng karne ay mas maingay, mainit at maraming tao ang nandito.

“Sorry, miss.” Tumango lang ako sa lalaking nakaapak ng paa ko. Argh! Isa sa mga dahilan kung bakit ayokong pumunta sa ganitong lugar-nadudumihan ang paa ko.

Huminto si Manang sa isang bilihan ng mga buhay na isda. Hindi ko alam ang tawag sa isdang kulay itim na sige sa pagtalon.

Napasigaw ako ng paglagay ng bagong buhay na isda sa harapan namin ay bigla itong tumalon papunta sa akin. Natalsikan ang damit ko ng tubig at saktong sa paa ko ito bumagsak.

Nataranta at natakot ako dahil kasabay ng pasigaw ko ay siya ring pagsigaw ng ibang mga tindero. Nagsalubong ang kilay ko ng makita si Manang na mahinang tumatawa. “Naku iha, ganito talaga rito, sinasabayan nila kung sino man ang sisigaw o tatawa.” Paliwanag niya.

“O, anong kaguluhan dito?” Napalingon ako sa pinanggalingan ng malalim ngunit may kasigaang boses ng lalaki.

“Señorito—”

“Magandang umaga, sa inyong lahat.” Hindi natapos ni Manang ang sasabihin niya dahil sinabayan siya ng lalaki.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil yumuko si Manang na parang nagbibigay galang, hindi lang siya pati na rin ang ibang tindero. Paglingon ko naman sa lalaki ay kinakawag niya ang kanyang kamay at umiiling pa, parang pinipigilan niya ang mga ito sa ginawang pagyuko.

“Ahh Robert, bigyan mo sila ng pinakasariwang isda at ‘wag mong dayain ang timbang.” Sabi niya sa tindero ng isda.

“Yes boss… este boy.” Lumingon ako sa lalaki na pinanlalakihan niya ng mata ang tindero. Nang makita niya ako ay nginitian niya ako at kumamot ng ulo.

Pinagmasdan ko ang kabuuan niya, magkatulad sila ng suot ng nakita kong lalaki kanina. Hindi kaya siya yun?

“Ikaw na bahala sa kanila. Dadalhin ko lang ‘to kay Mang Jerry.” Bago siya umalis ay kinindatan niya ako. May hatak-hatak siyang malaking palanggana na naglalaman ng mga isda.

“Manang, hindi pa ba tayo tapos?” Naiiniip na tanong ko. May nilabas siyang listahan at ipinakita sa akin. “May tatlo pang isda at pagkatapos naman ay sa mga gulay tayo.”

Muli kaming naglakad sa basa at maduming daan upang hanapin ang iba pang kailangan. Sa buong paglalakad namin ay hindi na nawala ang pagkakasimangot ko dahil hindi na ako natutuwa. Nakakainis yung mga humahawak sa braso ko at pinipilit na bumili ng mga tinda nila, mga lalaking malalagkit tumingin, mga tinderong walang tigil sa pagsabi ng ‘miss beautiful/ ganda ano’ng hanap niyo at lalong-lalo na ang mga taong walang pakialam kung makakatama o makakaapak sila ng paa.

“Damn it!” Hindi ko na mapigilan ang mapamura dahil may nakaapak sa tsinelas ko sa likuran kaya napigtas ito. At mas nakakainis pa nang hindi man lang nag-sorry sa ginawa niya.

Bwisit naman! Gusto kong manapak dahil sa inis na nararamdaman ko. Paglingon ko sa harapan ko ay hindi ko na makita kung nasaan ang mga kasama ko dahil sobrang siksikan at dami ng tao.

“Excuse me… makikiraan kami ng asawa ko.” Sabi ng pamilyar na boses at niyakap ako mula sa likod.

Na-estatwa ako dahil sa biglang pagbago ng pakiramdam ko. Bakit parang ang sarap sa pakiramdam? Bakit feeling ko safe ako sa pagkakayakap niya sa akin? Bakit?

“Kaya mo bang maglakad?” Napabalik ako sa ulirat nang bumulong siya sa tenga ko.

Magpupumiglas na sana ako pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Hindi ako sumagot dahil pinapakiramdaman ko ang sarili. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng kaba simula nang yakapin niya ako.

“Asawa ko.” Sagot niya sa kada taong nagtatanong kung sino ang kasama niya.

“Sandali nga, sandali nga.” Umalis ako sa pagkakayakap niya. Hinila ko siya sa gilid kung saan walang masyadong tao para kausapin.

“Bakit ka ba nangyayakap na lang bigla?” Bahagya siyang tumawa sa tanong ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Wife, kanina pa ako nakayakap sa’yo ngayon ka lang nagreklamo?” Nang-aasar niyang tanong.

“A-anong wife?” Nauutal na tanong ko.

“Asawa?” Ramdam na ramdam ko ang pag-ikot ng mata ko.

“Ano ba’ng pinagsasabi mo? Pwede ba? Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo!” Sigaw ko sa kanya.

“Asawa naman talaga kita. Hindi rin ako nakikipagbiruan dahil seryoso ako sa’yo.” Sumeryoso ang kanyang mukha na siyang ikinaba ko.

“Tigilan mo ako! Hindi kita asawa at lalong-lalong hindi ako magkakaroon ng asawang katulad mong vendor lang!” Galit na sigaw ko sa kanya.

Tumingin siya sa paligid, ganun din ako. Pinagbubulungan ako ng mga tao dahil sa sinabi ko. Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Wala naman akong intensyong maliit ang pagiging vendor, nadala lang ako ng galit kaya nasabi ko yun.

“Hoy! Hoy! Ano’ng pinagtsi-tsismisan niyo r’yan? Balik sa trabaho!” Kahit inutusan na niya ang mga ito na bumalik sa kanilang ginagawa ay naririnig ko pa rin ang hindi maganda nilang sinasabi tungkol sa akin.

Nakayuko akong umalis habang hila-hila ng paa ko ang napigtas na tsinelas. “Sandali,” hinawakan niya ako sa braso para pigilan.

“Let me go.” May diing sabi ko. “Never.” Ngumisi siya sabay buhat sa akin na parang bagong kasal. “Ano ba! Ibaba mo nga ako.” Sigaw ko at pinapagpapalo siya sa balikat. Muli akong nagpumiglas at sumigaw pero hindi siya natinag at tuloy lang sa paglalakad.

Napatulala ako sa mukha niya ng ngumiti siya sa akin. Aaminin ko napakagwapo niya, makapal ang kilay, bilugan na mga mata, sobrang tangos ng kanyang ilong, manipis at mapula niyang labi at mas lalong nakadagdag ng kagwapuhan ang kanyang panga na hulmang-hulma.

“Boss! Gandang chicks niyan ah.” Sabi ng isang lalaki na nakasalubong namin. “Hindi siya chicks, asawa ko siya.” Kinurot ko siya balikat pero kinindatan niya lang ako.

Napasubsob ako sa dibdib niya dahil gusto kong magtago sa mga taong nakatingin sa akin. Baka may makakilala sa akin at malaman pa ng magulang ko for sure yari ako nito.

“Kailangan ko ng tuwalya, bagong tsinelas, malinis na tubig, sabon at pagkain.” Parang kahit na sinong makarinig ng sinabi niya ay tiyak na susundin ang utos niya dahil napakalalim at punong-puno ng awtoridad ang kanyang boses.

Nakita ko na ang kulay asul na kalangitan at pagdampi ng hangin sa aking balat hudyat na nandito na kami sa labas. Inuupo niya ako sa isang bench na nasa tapat ng palengke. “Stay here.” Ibang-iba ang boses niya kumpara sa una ko siyang marinig. Kung kanina ay para siyang sigang magsalita, ngayon naman ay malumanay at napakagandang pakinggan ng boses niya lalo na kapag nag-eenglish siya.

May nilapitan siyang dalawang lalaki. Habang kinakausap niya ito ay nakapamewang siya. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero parang nagbibigay ito ng instruction at may inuutos.

Habang pinagmamasdan ko siya ay ngayon ko lang napansin ang kanyang kabuuan. Matangkad at malaki ang kanyang pangangatawan, malapad din ang kanyang balikat, hapit ang kanyang t-shirt sleeves dahil sa kanyang bisceps. Ikaw ba naman magbuhat at maghila ng malalaking palanggana na punong-puno ng isda kun’di lumaki ng ganyan ang katawan mo.

“Okay ka lang?” Napaayos ako ng upo. Hindi ko napansin na nandito na pala siya sa harapan ko. Inalis ko ang tingin sa kanya dahil nailang ako sa pagkakatitig niya sa akin. Ang ganda ng mata niyang itim na itim.

“Naiinitan ka na ba?” Umupo siya sa tabi ko. Umusog ako, nakakahiyang tumabi sa lalaking ito, sobrang bango kahit na nagbuhat ng mga isda samantalang ako, saglit lang ako sa loob pero sobrang baho ko na, ang lansa ng amoy ko.

“Boss, ito na po yung pinapakuha niyo.” Dumating ang dalawang lalaki na may dala-dalang timba at tabo na may tubig at dalawang paper bag na hindi ko alam kung ano ang laman.

“Malinis ba ‘tong mga ‘to?” Bumalik na naman sa pagiging maangas ang boses niya.

“Opo naman boss, mineral water po ‘yan at kay Aling Nena ko binili yung pagkain kaya tiyak na malinis na ‘yan.” Tumango siya at iwinagayway niya ang kamay niya na parang pinapaalis na niya ang mga ito. Yumuko muna ang dalawang lalaki bago sila umalis. Sino ba ang lalaking ‘to? Chinese ba siya? Japanese o Koreano?

Pero hindi, kayumanggi at pilipinong-pilipino ang kanyang mukha, wala akong makita na may lahi siyang banyaga.

“O baka nagugutom ka na.” Inabot niya sa akin ang styrofoam. “Don’t worry, malinis ‘to dahil hindi ko naman hahayaang makakain ka nang madumi.” Saglit ko siyang tinitigan. Nang kinuha ko ito ay nginitian niya ako.

Pagbukas ko ng styrofoam ay kumalam ang tiyan ko. May laman itong mainit na kanin, tapa at itlog. “Kumain ka lang.” Pa-squat siyang umupo sa harap ko. Kinuha niya ang cellphone niya pagkatapos niyang tingnan ang paper bag. Mamahalin ang gamit niyang cellphone. Saan niya kinuha ang pambili kung isa siyang vendor?

“Kulang naman ‘tong dala niyo. Nasaan ang tsinelas?… bilisan niyo dahil ayokong pinaghihintay ang asawa ko.” Pinatay niya na ang tawag at binalik ang cellphone sa bulsa niya. “Ano’ng ginagawa mo?” Tanong ko kahit alam ko naman kung ano’ng gagawin niya.

“Lilinisan ko yung paa mo.” Sagot niya at hinubad ang suot kong tsinelas. “Ako na.” Pigil ko sa kanya.

“You’re my wife. It’s my responsible to take care of you. Kumain ka lang diyan.” Natahimik ako dahil sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung kailan ko huling naramdaman ganitong feeling, aaminin ko na masarap sa pakiramdam ang sinabi niya.

“Boss, ito na po yung kulang sa pinapakuha niyo.” Dumating ang isang lalaki na kausap niya kanina at may kasama itong limang babae na may dala-dalang tsinelas- maraming tsinelas.

“Size 7 ba ang lahat ng ‘yan?” Walang emosyon niyang tanong. Paano niya nalaman ang size ko?

“Opo naman boss.”

Inilatag nila ito sa harapan ko. “Sarado pa ang mall kaya pagtiyagaan mo muna ang mga ito. Pasensya na. Ano’ng gusto mo r’yan?” Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. “Ako na, madudumihan ang paa mo. May napili ka na ba?”

“Kahit ano na lang diyan.” Tumango siya. Tumayo siya at kinuha ang kulay dilaw. “Lahat naman ay bagay sa’yo pero ito ang napili ko bukod kasi sa paborito mo ang kulay na ito ay parang katulad mo ang tsinelas na ito.” Kumunot ang noo ko. Pati favorite color ko ay alam niya. Paano?

“Simple lang pero angat na angat ang ganda.” Ayoko ng ganito! Ilang oras lang kami nagkasama pero parang lumalalim na ang nararamdaman ko sa kanya.

Katulad kanina, muling yumuko ang lalaki at mga babae bago umalis. “Sino ka ba?”

Ngumiti siya sa akin. “Asawa mo.” Pagkatapos niyang sabunin ang binti at paa ko ay binanlawan na niya ito. “‘Wag na nga tayo maglokohan dito. Mister, wala akong asawa. Baka kamukha ko lang ang asawa mo kaya nagpakakamalan mo akong asawa mo.”

“Misis, wala akong ibang asawa. Ikaw lang ang gugustuhin kong maging asawa ko.”

“Wala nga akong asawa at lalong-lalo na hindi kita asawa!” Nararamdaman ko na ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa halo-halong emosyon.

Nagtinginan sa gawi namin ang tao dahil sa sigaw ko. Pero inalis din nila ito nang seryosong tumingin ang lalaking nasa harap ko sa kanila.

“Hindi pa siguro ngayon pero malapit na.” Sabi niya pagkabalik ng tingin niya sa akin.

“Sino ka ba?” Mahinahong tanong ko. Naguguluhan na ako. “‘Wag mong isagot na asawa mo ako.” Tumawa siya. Pagkatapos niyang punasan ang binti at paa ko ay isinuot na niya ang tsinelas sa akin.

“Pwede bang sagutin mo ang tanong ko? Sino ka ba?” Inayos niya ang mga gamit at umupo sa tabi ko. “Bakit parang takot ang mga tao sa’yo rito? Bakit sumusunod sila sa lahat ng utos mo? Bakit parang ang taas ng tingin nila sa’yo? Bakit Boss ang tawag nila sa’yo? Bakit halos lahat ng tao rito kilala ka?” At ako lang ang hindi. Sunod-sunod na tanong ko.

Nakasisigurado akong hindi siya mayor ng bayan namin dahil kilala ko ang mayor dito.

“Sa lahat ng tanong mo, isa lang ang sagot ko…” tumingin siya sa mga mata ko. “Hindi ako vendor.”

Sinimangutan ko siya. “Hindi naman nasagot ang mga tanong ko sa’yo.”

Tumawa siya na parang tuwang-tuwa sa nakikitang expression sa mukha ko. “Hindi naman na importante kung bakit sila ganun sa akin.”

“Okay,” pagsuko ko, mukhang wala akong makukuhang sagot sa kanya. “Ano na lang ang pangalan mo?”

“Gabriel.”

“Gabriel?”

“Gabriel.” Inirapan ko siya. “Ano’ng surname mo?”

“Malalaman mo rin kapag kinasal na tayo.” Sagot niya at kinindatan ako.

“Alice!” Napalingon ako sa tumawag sa akin- si Manang kasama niya ang driver namin na may dalang tatlong bayong. Umalis din siya para siguro mauna na sa sasakyan.

“Nasaan na ang mga tukmol na yun? Ang sabi ko tulungan si Manang sa pagbitbit.” Mahinang sabi niya pero narinig ko naman. Iiling-iling siyang tumayo at pinuntahan si Manang. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya.

“Naku señorito, kaya ko na po ito.” Kinuha ni Manang ang dala niyang dalawang bayong pero hindi ito binigay ni Gabriel. “Manang, ‘wag kang mag-alala, yakang-yaka ko na po ito.” Ipinakita niya kay Manang ang kanyang bisceps. “Maraming salamat po, señorito.” Sino ba talaga ang lalaking ‘to? Bakit ganun ang tawag sa kanya ni Manang?

“Let’s go, wife.” Bahagya siyang natawa nang inirapan ko siya.

Pagkarating namin sa sasakyan ay nilagay ni Gabriel ang dala niya sa compartment. “Pasensya na señorito at kayo pa ang nagdala ng pinamili namin.” Paghingi ng tawad ng driver namin. “Wala yun. Basta ipangako mo sa akin na maayos kayong makakauwi.”

“Opo naman po. Pangako po yun señorito.” Sagot ng driver namin at sumaludo pa.

Bago sumakay sila ni Manang ay muling nagpasalamat ang mga ito.

“Sandali lang.” Bubuksan na niya ang pinto pero pinigilan ko siya. “Bakit ba ayaw mong sabihin kung sino ka talaga?”

“Hindi na kailangan dahil makikilala mo rin ako.” Sagot niya at binuksan na ang pinto. Inalalayan niya ako pagpasok. “See you later, my wife.” Sabi niya at isinara ito.

Habang nasa daan kami papauwi ay iniisip ko ang lahat ng nangyari sa palengke. Bakit ba ganun na lang ako itrato ng lalaking yun?

“Manang, sino po ba yung lalaking tinatawag niyong señorito?” Lumapit ako sa kanya na nasa front seat.

“Hindi mo siya kilala?” Nagtatakang tanong niya.

Napabuntong-hininga ako. “Manang naman, magtatanong ba ako ng kung kilala ko siya.”

“Siya si Señorito Gabriel Buenavista.” Kumunot ang noo ko. “Siya ang nag-iisang anak nina Don Gregorio at Donya Amelia Buenavista.” Dagdag naman ng driver namin.

Kaya pala ganun na lang ang trato ng mga tao sa kanya!

“Bakit hindi ko siya kilala? Bakit ngayon ko lang siya nakita?” Magkasunod na tanong ko.

“Dahil hindi ka naman kadalasang naglalagi dito sa bayan natin at kung nandito ka naman ay hindi ka lumalabas ng kwarto mo.” Sagot niya.

Hindi talaga ako naglalagi dito dahil sobrang boring. Nasanay ako sa buhay sa lungsod dahil natira ako doon ng nag-aaral pa ako ng college at ngayon na nagtatrabaho ako sa company ni Daddy.

Hindi ko naman sinasabi na pangit ang bayan na tinitirhan namin. May magandang tanawin kaming maipagmamalaki katulad ng mga puno, halaman at malawak na taniman ng iba’t ibang prutas at gulay, kulay berdeng sakahan at malilinis na dagat, ilog at talon.

Kaya ng sinabi ni Daddy na pagtatrabahuhin niya ako sa opisina niyang nasa lungsod ay pumayag na rin ako dahil nami-miss ko ang buhay dun pati na rin ang mga kaibigan ko. Kung umuuwi man ako rito ay lagi lang akong nasa kwarto kaya siguro hindi ko kilala ang Gabriel na yun.

“Ma’am Alice, tingnan niyo po ang paligid niyo.” Sinunod ko ang utos ng driver namin. “Sila po ang nagmamay-ari ng mga lupaing iyan.” Hindi na ako nagulat sa sinabi niya.

Kilala ko si Don Gregorio dahil business partner sila ng Daddy at ipinakilala niya rin ito sa akin. Nalaman ko sa Daddy na sila ang pinakamayaman dito sa bayan. Halos lahat ng lupain ay pagmamay-ari nila. Marami silang negosyo rito katulad ng resort na dinadayo dahil sa ganda nito, ang palengke na pinuntahan namin, mall at iba’t iba pang negosyo na may kinalaman sa pagtatanim at pagsasaka.

Kulang na lang ay sila ang mamahala ng bayan namin pero sa pagkakaalam ko ay ayaw nila dahil mas mabuti raw na mamahala sa bayan ay may alam kaysa sa may impluwensiya.

“Kilala ang pamilyang Buenavista hindi lang sa pagiging mayaman nila kun’di sa pagiging mabait.” Pahayag ni Manang.

“Sobrang bait.” Dagdag ng driver namin.

“Dahil sa kanila, nakapag-aral ang mga bata dahil sa pinatayo nilang paaralan, nagkaroon ng trabaho ang mga tao rito at umunlad ang bayan natin.” Tumango-tango ako sa sinabi ni Manang. Akala ko bukod sa mga magulang ko ay wala na akong makikilalang mabuti at mabait na mayayaman na may malasakit sa kapwa.

Pagkarating sa bahay ay dumeretso ako sa banyo para maligo. Hindi na kanais-nais ang amoy ko dahil sa pinaghalong pawis at lansa na nakuha ko sa palengke.

Pagkatapos kong maligo ay nagpatuyo ako ng buhok para matulog muna. Inaantok ako dahil ang aga manggising ni Daddy at isa pa, wala naman akong gagawin at maaga pa para mananghalian.

Nagising ako dahil kumalam ang sikmura ko. Tumingin ako sa wall clock, 12:30 pm na pala kaya nagugutom na ako.

Hindi na ako nag-abalang magsuklay at basta na lang itinali ang buhok ko. Pagbaba ko ay dumeretso ako sa dining room pero walang tao rito. “Sa’n sila Dad?” Tanong ko sa dumating na kasambahay. “Nasa garden po sila.” Sagot niya at kinuha ang ulam na nasa puting lagayan. “Saan mo dadalhin ‘yan?”

“Sa garden po.” Sagot niya at umalis na. Ano’ng trip nila Daddy at sa garden pa balak kumain. Picnic?

Wala rin naman akong nagawa kaya sumunod na rin ako papuntang garden. Pagdating ko rito wala ang mga magulang pero maraming nakahain na iba’t ibang ulam.

Paupo na ako nang tawagin ako ni Daddy. “Alice!” Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang kasama niya. “Hi wife!” Nakangiting bati niya at kumaway pa. Bakit siya nandito?

Lumapit sa akin si Daddy at hinawakan ako sa braso. “Alice naman, hindi ka man lang nag-abalang mag-ayos ng sarili o kahit man lang magsuklay. Alam mo namang may darating tayong bisita.” Pagalit na bulong niya.

“Señorito, pasensya na kung ganito humarap sa inyo ang anak ko. Sandali lang at papaayusan ko lang siya.” Sabi ni Daddy.

“Sir, ‘wag niyo na po akong tawaging Señorito, okay na po sa akin ang Gabriel at isa pa po, kahit ano namang suot ni Alice ay bagay pa rin sa kanya. Maganda pa rin siya.” Sabi niya at sabay kindat sa akin.

Inaya na kami ni Mommy kumain. Inalalayan ako ni Gabriel umupo at tumabi naman siya sa akin.

“Thanks.” Sabi ko pagkatapos niyang lagyan ng kanin at ulam ang plato ko.

Napaiwas ako ng tingin nang nginitian niya ako. Ibang-iba ang postura kaysa sa una naming pagkikita.

Nakasuot siya ng white polo, khaki shorts at tinernuhan pa ng brown top sider. Hindi ko itatanggi na lalo siyang gumwapo dahil sa suot niya.

Tahimik lang ako habang kumakain. Nag-uusap sila tungkol sa mga negosyo at kinamusta rin ni Mommy ang mga magulang ni Gabriel.

“So, kailan ang kasal niyo ng anak ko?” Nasamid ako dahil sa sinabi ni Daddy. Pinainom ako ng tubig ni Gabriel at hinimas ang likod ko.

“Okay ka lang?” Nag-aalalang tanong niya. Hindi ko siya pinansin at tumingin kay Daddy. “Tama ba ang rinig ko? Ako ikakasal?” sigurado akong ako ang tinutukoy niya dahil nag-iisa lang akong anak. Tumayo ako, nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo.

“Yes, ikakasal ka kay Gabriel.” Mahinahon ngunit ma-awtoridad na wika niya.

“Dad! Hindi ko mahal ang lalaking ‘yan!” Sigaw ko. Nakita ko na nasaktan si Gabriel sa sinabi ko pero isinawalang bahala ko ito dahil mas nangingibabaw ang galit ko.

“Baby, calm down.” Umiling ako kay Mommy.

“Hindi mo pa siya mahal ngayon pero mamahalin mo rin siya.” Hindi ako makapaniwala, ano ba’ng naisip nila at ipapakasal nila ako sa lalaking ngayon ko lang nakilala at hindi ko naman mahal.

“Magkano ang halaga ko?” Kumunot ang noo ni Daddy. “Magkano ako para pumayag kayong ipakasal sa kanya? Ganyan ba kayo kadesperado para lumawak ang negosyo niyo? Dad?” Naluluhang sabi ko sa kanya. “Akala ko naiiba kayo pero mukha rin naman pala kayong pe—”

“Ano ba’ng pinagsasabi mo?!” Humarang si Gabriel kaya hindi natuloy ang pagsampal niya sa akin.

“Sir, pasensya na po ako na ang magpapaliwanag sa kanya.” Sabi ni Gabriel. Umalis ako sa pagkakahawak niya at tumakbo palayo sa garden.

Hindi ko mapigilan ang paghagulgol dahil sa mga sinabi ko kay Daddy. Ayokong pagsalitaan siya ng masama pero dahil din sa kanya kaya ko yun nasabi. I really can’t believe na gagawin niya yun para sa pera.

“Alice!” Tawag ni Gabriel. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad pero naabutan niya ako. “Sandali.” Pinaharap niya ako sa kanya. “‘Wag kang umiyak, please.” Pinunasan niya ang luhang umaagos sa mukha ko. “Bitawan mo ako.” Tinapik ko ang kamay niya at umatras.

“Magkano ang halaga ko? Magkano ako para ibenta ako ng magulang ko sa’yo?” Pigil na pigil ang galit kong tanong sa kanya.

“Wala. Wala kang katumbas na halaga. Hindi ka binenta ng magulang mo sa akin dahil ako mismo ang may gusto nito.” Nagsalubong ang kilay ko, hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating.

“Ako ang humiling sa kanila na pakasalan ka.”

“Bakit mo ako pakakasalan? Ngayon lang tayo nagkita at hindi naman tayo magkakilala.”

“Dahil mahal kita!” Sigaw niya. “Mahal kita Alice. Siguro, ikaw, ngayon mo lang ako nakita at nakilala pero ako, matagal na kitang nakita at nakilala.” Nagpakawala siya nang malalim na hininga, para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa sinabi niya.

“Nang araw na makita kitang nasa sasakyan niyo papuntang lungsod ay alam kong may kakaiba sa’yo dahil ikaw ang unang babaeng nakapagpatibok nang mabilis sa puso ko. Nang araw ding yun, ipinangako ko sa sarili na ikaw ang babaeng mamahalin ko at ikaw ang babaeng makakasama ko habambuhay. Mahirap paniwalaan pero yun ang totoo.” Nananatili lang ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat sabihin.

“P-paano mo napapayag ang magulang ko? May ibinigay ka ba sa kanila?” Nauutal at kinakabahang tanong ko. Umiling siya at humakbang papalapit sa akin.

“Wala akong ibinigay sa kanila at isa lang ang nakuha ko sa kanila.” Walang emosyong nakatingin ako sa kanya habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. “At yun ang pagpayag nila na pakasalan ka. Maniwala ka man o hindi, pinaghirapan at pinagtrabahuhan ko yun para lang pumayag sila.” Ngumiti siya at napailing. Parang bigla niyang naalala ang mga ginawa niya para lang pumayag ang magulang ko. “‘Wag mo ng tanungin kung ano ang mga ginawa ko dahil kung sasabihin ko lahat ay aabutin pa tayo nang bukas.” Dagdag niya.

“Bakit hindi kita nakikita kapag nandito ako? Bakit walang nababanggit ang magulang ko tungkol sa’yo?” Ang dami ko pang gustong itanong sa kanya.

“Pinakiusapan ko sila na ‘wag sabihin ang tungkol sa akin. Gusto ko muna ayusin ang sarili ko, ang mga negosyong hawak ko pati na rin ang panliligaw ko sa magulang mo. Para sa ganun, kung maayos na ang lahat, ang relasyon naman natin ang aayusin ko, gusto ko kasi na sa’yo lang ang atensyon ko at lalong-lalo na sa’yo lang ako.” Malumanay na pahayag niya. Muli siyang lumapit at hinawakan ang kamay ko.

“Alam kong naguguluhan ka at wala akong pag-asa pero maglalakas-loob pa rin akong tanungin ka.” May kinuha siyang maliit na kulay pulang kahon sa bulsa niya at lumuhod sa harap ko.

“Alice Alcantara, will you marry me?”

Posted in one shot story

#1: Black fitted shirt (one shot Tagalog)

Pauwi na ako galing school at nakasakay ako sa likod ng tricycle.

Bakit ba traffic dito? Tanong ko sa sarili. Tumingin ako sa pambisig kong relo, alas otso na ng gabi.

Luminga-linga ako sa paligid para tingnan kung ano ang dahilan ng traffic sa intersection pero nabigo ako, wala akong makitang sanhi ng traffic.

“Boss, dito na lang ako, lalakarin ko na lang.” Sabi ng lalaking katabi ko. Inabot niya ang bayad niya at mabilis na naglakad papuntang sidewalk.

Maglakad na lang din kaya ako? Muli akong tumingin sa daan upang tingnan kung malapit na ba ang bababaan ko.

Hihintayin ko na lang umasad ‘to for sure makakarating din naman ako sa bababaan at isa pa, hindi ko na kaya dahil pagod na pagod na ako, physically at mentally.

Umuusad-usad naman kahit papaano ang sinasakyan ko pati na rin ang iba. Nag-overtake ang nasa tapat kong sasakyan kaya umabante ang nasa likod niya.

Tss! Ang ingay naman! May sasakyan sa harapan ko, bukas ang apat na bintana at apat na lalaki ang nakasakay. Sa kanila pala yung kanina ko pang naririnig na tugtog.

Wala sana akong balak tingnan sila ulit pero nararamdaman ko na nakatingin sila sa akin kaya walang emosyong tumingin ako sa kanila.

“Pustahan tayo, hindi siya ‘yan.” Rinig kong sabi ng naka-kulay blue na T-shirt sa lalaking nakaupo sa passenger’s seat na titig na titig sa akin na parang pinag-aaralan ang bawat sulok ng mukha ko.

Umayos ako ng upo nang marinig ko ang mahinang hagikgikan ng dalawang lalaki na nakaupo sa likod. Pinagti-trip-an ba ako ng mga gagong ‘to? Inayos ko ang pagkakapatong ng bag sa hita ko.

Isa pang tawa at tingin sa legs ko makikita niyong hinahanap niyo. Banta ko sa kanila na sa isip ko lamang.

Naiilang na ako! Sanay naman akong sumakay sa likod ng nakapalda pero hindi sa ganitong may nakahintong sasakyan sa harap ko!

Hindi ko marinig kung ano ang pinag-uusapan nila pero nakasisigurado ko na ako ang pinag-uusapan nila. Pagkatapos kasing may sabihing ang isa sa kanila ay titingin sa akin sabay tatawa. Alam ko dahil gawain din namin ‘yan ng mga kaibigan ko.

“Van, matunaw.” Sigaw ng lalaking naka-kulay red naman.

Nang marinig nung Van daw yung sigaw ng kaibigan niya ay mukhang bumalik siya sa wisyo niya.

“Hi.” Nauutal na bati niya sa akin at bahagya pang kumaway. Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ako natutuwa sa kanila.

Dahil nakita ng mga kaibigan niya ang ginawa ko ay kanya-kanya sila ng kantyaw at pang-aasar kay Van at muli na namang napuno ng hagikgikan ang loob ng kanilang sasakyan.

“Ang tagal kitang hinanap.” Narinig ko ang muling pagbuhay ng makina nitong tricycle. Tumingin ako sa daan at isa-isa nang umaandar ang mga sasakyan, muli akong tumingin sa grupo ng mga lalaki na hindi pa rin natatapos sa pagtawa. Ano bang nakakatawa? Punyeta!

“Sa wakas nakita ulit kita. How are you? Okay lang—” Hindi ko na narinig ang iba niyang sinabi dahil mabilis na umandar ang tricycle at habang papalayo kami sa kanilang sasakyan ay itinaas ko ang dalawa kong gitnang daliri.

Dahil sa mabilis na takbo ng tricycle ay lumagpas ako. Hindi naman ganun kalayo ang lalakarin ko, kayang-kaya naman kaya lang masakit na talaga yung paa ko.

Habang naglalakad ay inaayos ko ang blouse at palda ko kaya hindi ko napansin na may nakahintong sasakyan sa kanto ng street namin.

Oh my ghad! Yari na! Yung sasakyan na nakahinto sa kanto ng street namin ay yung sasakyan kanina. Nakita ko yung Van na nakatayo sa gilid ng kotse.

Wala namang ibang daan pauwi sa amin kung’di ay itong street lang.Yumuko ako kahit alam kong hindi effective at mukhang nakilala talaga nila ako.

Binilisan ko ang lakad ko upang maiwasan siya pero hindi pa ako nakakaliko sa street namin nang tawagin niya ako.

“Hey!” Tawag-pansin niya pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

“Cassy!” Sigaw niya kaya napahinto ako. Paano niya nalaman ang pangalan ko?

Nasa ganoon pa rin akong pwesto nang marinig ko ang mga yabag niya, hinawakan niya ang braso ko at pinaharap sa kanya. Hinila ko ito sa kanya at malumanay naman siyang humingi ng tawad.

“Ano bang kailangan mo?” Pinatatag ko ang boses ko ngunit hindi pa rin maiwasan na kabahan ako.

“Pwede ba tayong mag-usap?” Nag-aalinlangang tanong niya at tinaasan ko siya ng kilay.

“Wala tayong dapat pag-usapan dahil hindi naman tayo magkakilala.” Sumulyap ako sa mga kaibigan niya na nagtatawan. Tinaasan ko sila ng kilay at tumahimik naman sila.

“Bakit ba lagi ka na lang masungit at galit sa akin?” May halong lungkot at tampong tanong niya sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

“Alam mo… kung pinagti-tripan niyo akong magkakaibigan pwes.. Tumigil-tigil na kayo.” Seryosong sabi ko sa kanya at tumungin sa sapatos ko. Shit! Sobrang sakit na ng paa ko dahil sa sapatos na’to. May paltos at parang dumudugo na!

“No, hindi ka namin pinagti-tripan. Please, let’s talk.” Ano bang gusto nito pag-usapan?

“Ano ba’ng pag-uuspan natin? Eh hindi nga tayo magkakilala.” May pagka-sarkasamo na sabi ko sa kanya.

“I’m Ivan.” Pagpapakilala niya at itinuro niya pa ang sarili niya. Inisip ko naman kung nakilala ko na siya nang sabihin niya ang pangalan niya. Pero, wala, wala akong matandaan.

“Hindi mo na ba ako matandaan? I’m Mr.—” Huminto siya sa pagsasalita nang marinig ang daing ko.

Hindi ko na talaga makayanan ang sakit na nararamdaman ko sa paa kaya padabog ko itong hinubad. Nakaramdam ako ng konting kaginhawaan nang hubarin ko ito.

Muli akong tumingin sa lalaking nasa tapat ko. Nawala nga ang sakit sa paa yung batok ko naman ang sasakit dahil sa katitingala. Nakatingin siya sa mga paa ko atsaka tumingin sa akin.

“Wear mine.” Hindi ko agad naintindihan ang sinabi niya. Nagulat na lang ako ng bigla na lang siyang lumuhod sa harapan ko. Kinuha niya ang kanang paa ko, pinagpagan ang talampakan atsaka isinuot ang tsinelas niya sa akin at ganoon din ang ginawa niya sa kabila.

Nang tumayo siya ay ‘saka ko lang napansin ang suot niya, nakasuot siya ng white T-shirt at black sweat pants at naka-tsinelas lang siya na ngayon ay suot-suot ko na.

“Cassy.”

“Paano mo nalaman ang pangalan ko?” Mahinahon ngunit seryosong tanong ko sa kanya.

“Narinig ko na tinawag ka ng kaibigan mo.” Sagot niya. Tinitigan ko ang mukha niya. Makapal ang kilay, singkit na mata, matangos na ilong at manipis na labi. Gwapo siya, pero wala talaga akong matandaan na kilala ko siya.

Nagka-amnesia ba ako?

“Ivan, hindi kita kilala. Wala akong matandaan na nagkakilala tayo. Baka hindi ako ‘yon. Baka nagkakamali ka lang.” Umiling-iling siya na parang hindi sumasang-ayon sa sinasabi ko.

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad. Hindi pa ako nakakasampung hakbang nang magsalita siya na mabilis at sunod-sunod. “Mr. Black fitted shirt. Bike. Oink oink. Badminton. Forest park. Tel-uhm tel-argh! Can’t remember her.” Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Nakayuko siya habang hawak ang kanyang buhok.

“Anong sabi mo?” Umayos siya ng tayo at naglakad papalapit. Habang naglalakad siya ay dahan-dahan niyang inuulit ang sinabi niya.

“Christelle.” Pagtatama ko sa paulit-ulit niyang pagbigkas ng tel, high school friend ko siya.

“Natatandaan mo na?” Pinaningkitan ko siya ng mata na parang pinag-aaralan ang kanyang mukha.

“Familiar lahat ng binanggit mo pero anong kinalaman mo ron?” Tumango siya.

“I’m Mr. Black fitted shirt. Ako ‘yung lalaking tumawag sa’yo ng oink oink, ako yung nagbi-bike tapos binangga ka sa likod kaya natumba ka sa sinasakyan mong bike, ako yung nakatama sa’yo ng shuttlecock ng naglalaro kami ng badminton, ako yung nambabato sa’yo kapag dumadaan ka sa pwesto namin. Ako ‘yon. At nangyari ang lahat ng ‘yon sa forest park.” Mahabang sagot niya.

Siya? Siya ‘yon? Paano niya ako natandaan? Eh limang taon na ang nakakalipas.

“Natatandaan mo na?” Kinakabahan ngunit may halong pagka-excite na tanong sa akin. Tumango ako at sumilay ang matatamis niyang ngiti. “Natandaan ko yung mga nangyari pero hindi ikaw.” Nawala ang matamis niyang ngiti at napalitan ito ng pilit na ngiti. “Bakit? Bakit mo ‘yon ginawa?”

“I was mad at you… nakakainis ka kasi.” Eh bakit hanggang ngayon parang galit siya. Nag-cross arm siya at tumitig sa akin. “Nakakainis ka dahil hindi mo ako pinapansin pero yung kaibigan ko pinansin at kinausap mo pa.” May halong tampo at galit na sabi niya.

“Wait wait wait.” Itinaas ko ang kamay ko upang pahintuin siya.

Hinawakan ko ang ulo ko at pumikit upang isipin ang sinabi niya.

Lahat ng sinabi niya kanina ay natatandaan ko pati na rin yung mga ginawa niya, paano ko makakalimutan ‘yun eh nagkapasa at nagkapeklat ako sa binti dahil sa ginawa niyang pagbangga sa bike ko at inis na inis ako dahil inaasar at pinagtawanan ako ng ibang tao na nandoon sa park. Ang hindi ko lang talaga maalala ay siya, yung mukha niya.

“Okay okay… so ano’ng issue mo at sinundan mo pa talaga ako dito?” Tumingin ako sa paligid at sa kanya.

“I want you to know me and I want to know you more.” Nagsalubong ang kilay ko at umiling-iling, hindi ko maintindihan ang pinupunto niya. “Bakit?”

Bumuntong-hininga siya at parang nagdadalawang isip kung dapat ba niyang sabihin ang gusto niyang sabihin. “Sige na lumalalim na ang gabi ‘tsaka na–”

“May gusto ako sa’yo.” Malakas at mabilis niyang sabi. Narinig ko ang hiyawan at palakpakan ng mga kaibigan niya. Nananatili lang ang tingin ko sa kanya. Yumuko siya upang iwasan ang tingin ko.

May gusto ako sa’yo.

Nang mag-sink in sa’kin ang sinabi niya ay natawa ako, as in tawa talaga. “At ‘wag mong sabihin ay hanggang ngayon eh.. gusto mo pa rin ako.” Hindi ko ma-imagine na nangyayari ‘to sa akin.

“Yes, hindi naman nawala ang pagkagusto ko sa’yo at sa bawat araw na nagdaraan ay lalo pa kitang nagugustuhan.” Tumigil ako sa pagtawa at tumitig sa kanya.

“When I saw you, you’re smiling and laughing like there’s no tomorrow.” Paninimula niya. “You were very happy. Because of your smile.. you captivated my attention, my eyes, my heart, my soul.. the whole me. Pero ikaw.. hindi mo ako napansin, hindi mo man lang ako tiningnan, wala lang ako sa’yo.” Malungkot na sabi niya.

Hindi ko alam kung ano nang hitsura ko dahil sa ekspresyon na lumalabas sa aking mukha, naguguluhan ako. Hindi nagsi-sink in sa akin ang lahat ng sinasabi niya.

“Pwedeng from the top? Nagugulahan kasi ako.” sabi ko habang kinakamot ang kilay ko.

“Nagpunta kayo ng mga friends mo sa Forest park, christelle.. siya lang yung natatandaan kong kaibigan mo because you always calling her.” Yeah, after namin manuod ng sine ay nag-decide kaming pumunta ng Forest park. “That day, nandoon din kami ng friends ko, magkatapat ang picnic table na pinag-stay-an natin. Like what I said, you caught my attention. The way you laugh it’s like music in my ears at lalong-lalo na kapag ngumingiti ka. Simula no’n hindi na maalis ang tingin ko sa’yo. Kung saan ka pupunta sinusundan kita lahat ng kilos mo tinitignan ko.” Bakit parang ang creepy na? “Sinubukan kitang lapitan, pero lalapit pa lang ako.. lumalayo ka na. Hindi mo ako napapansin at kahit sulyap at tingin ay hindi mo magawa pero kay Klein ay panay ang tingin mo.” Sa mga sinabi niya ay wala pa akong matandaan, hinayaan ko lang siya na magkwento at nakinig naman ako.

“Believe it or not, that day.. I knew that I’ve fallen for you. At sa tanan ng buhay ko… nang araw na ‘yon.. nakaramdam ako ng matinding selos, inis na inis ako sa’yo.” Bakit sa akin? “Naiinis ako sa’yo dahil panay ang pa-cute mo ron sa kaibigan mong mukhang ewan.” What the?! Hindi mukhang ewan si Lester! Si Lester, siya yung crush na crush ko ‘nong high school kami at hindi ko naman itatanggi na nagpapa-cute talaga ako sa knaya. Magsasalita pa lang ako nang unahan na niya ako. “Don’t you dare.” Tinuro niya ako na parang binabantaan na ‘wag magsalita. Oh my ghad! Hindi ako makapaniwala na ginaganito ako ng lalaki na ngayon ko lang nakilala slash nakitang muli.

Nag-cross arms ako at tinaasan siya ng kilay, parang hindi um-effective yung ginawa ko dahil hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. “Hindi mo ako pinapansin sa padaan-daan ko kaya naisipan kong pag-trip-an ka. Nang nag-bike ka, sinundan kita at sadyang binabangga ang gulong para tumingin ka sa akin, ilang beses ko ‘yon ginawa.. at sa wakas tumingin ka sa akin.. tinignan mo nga ako pero wala namang reaction ang mukha mo, hindi kagaya don sa kaibigan mong mukhang ewan na may kislap ang iyong mga mata.” Habang nagku-kwento siya ay naaalala ko na ang ilan sa mga nangyari.

Natatandaan ko na pagkatapos niya akong banggain ng malakas ay natumba ako , sumabit ang kaliwa kong binti na malapit sa may kadena. Nagkapasa ako at dumugo ang tuhod pati na rin ang binti ko ay dumugo, kung titingnan ito ngayon sa malapitan ay makikitang may mahabang guhit na peklat. Inis na inis ako sa kanya dahil wala naman akong ginagawang masama sa kanya pero inaaway niya ako.

Natatandaan ko pa na sasabay siya sa aking mag-bike tapos kapag magkatabi na kami ay tatawagin niya akong oink oink at sabay tawa pa. Hindi naman ako noon mataba at mapayat, kung’di sakto lang.. at kung hindi ako nagkakamali.. nakasuot ako non ng kulay pink na dress, kaya siguro inasar niya ako ng ganon.

Natatandaan ko rin, everytime na dadaan ako sa tapat ng picnic table nila ay babatuhin niya ako ng maliit na bato. Naka-bike o naglalakad man ako ay sige lang ang pagbato niya. Pati na rin ‘nung naglalaro sila ng badminton.. alam ko namang sinasadya niya na tamaan ako pero hindi ko na lang siya pinapansin dahil alam kong titigil din naman siya sa ginagawa niya sa akin.

“Bakit mo ‘yon ginawa?” Tanong ko sa kanya ng ikwento niya ang mga ginawa niya sa akin. “Ginawa ko ‘yon para mapansin mo ako, dahil kung lalakad lang ako sa harap mo ay hindi mo naman ako papansinin. At dahil sa sobrang desperado akong pansinin mo ay binato kita ng sunod-sunod habang naka-upo. At sa wakas! Lumingon ka then lumapit ka sa akin at binato mo ako ng sapatos mo. Then, ‘yun yung time na tinawag mo akong Mr. Black fitted shirt.” Natatandaan ko ‘to. Dahil sa pagbato-bato niya kasi ay natamaan si Christell. Kaming dalawa lang ang naiwan ‘don dahil sinauli na ng iba kong kaibigan ang bike na ni-rent namin. Sa sobrang inis ko na ay nilapitan ko siya at binato ng sapatos. Tinawag ko siyang Mr. Black fitted shirt dahil nakasuot siya ng ganun at hindi ko alam ang pangalan niya.

Tumalikod siya saglit at nang humarap ay may hawak na siyang kulay beige na sapatos. Iwinagayway niya ito sa harapan ko at nang matitigan ko ito ay napagtanto ko na sa akin ‘yon. “Sa akin ‘yan ah. Bakit nasa’yo pa?”

“Tinago ko, remembrace ba.” Tinignan niya ito na parang ngayon niya lang nakita. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero hindi na katulad kanina na naki-creepy-han ako sa mga sinabi niya. “Bakit kasi hindi mo na lang ako kinausap ng maayos hindi yung para kang bata na naghahanap ng away.” Malumanay na sabi ko sa kanya. “I tried, pero sinungitan at tinalikuran mo lang ako. Pero, nung si Klein ang kumausap sa’yo.. nakangiti ka pa, hindi mo man lang siya sinungitan kagaya ng ginawa mo sa akin at mukhang enjoy na enjoy kang kausapin siya.” May tonong sarkasamo na sabi niya.

Inalala ko kung sino ‘yung Klein na sinasabi niya. Klein.. Klein.. Klein.. Ah oo! Naalala ko na, siya yung lalaking tinulungan ako na ayusin yung kadena na natanggal sa bike. Makulit siya pero at the same time ay mabait at gentleman pa. Tumingin ako sa gawi ng mga kaibigan niya upang tignan kung nandon ba si Klein. “He’s taken.” sabi niya at hinarang ang katawan upang hindi ko makita ang mga kaibigan niya.

“Cassy.” Tawag niya sa akin. “Sa araw na ‘yon hindi ko magawang lumapit sa’yo kahit na gustong-gusto ko na kausapin at tanungin ang buong pangalan mo pero.. hindi.. hindi ko nagawa dahil alam kong inis na inis ka sa akin. Wala akong magawa kung ‘di ang pagmasdan ka na naglalakad papalayo at doon ko naramdaman ang sobra-sobrang lungkot. Lungkot na hindi ko alam kung mawawala pa ba. Nawala naman pero bumalik. Cassy, ‘yan lang ang alam kong pangalan mo. Kahit mahirap ay sinubukan kong hanapin ka, binalikan ko ang lugar kung saan tayo unang nagkita, mga lugar na malapit sa Forest park pati na rin sa social media, nagtiyaga akong hanapin ka dahil gusto kitang makita at makilala pa. Then, finally.. nahanap din kita. Cassandra Alley Melendez, kasing-ganda mo ang pangalan mo.” Hindi ko na nakita ang mga mata niya dahil nginitian niya ako, ngiting parang nakakita ng isang magandang tanawin.

“Nag-private message ako sa’yo sa iba’t-ibang social media accounts mo pero hindi mo ako pinapansin, hindi mo ako nire-replyan. Then, I found out.. you had a boyfriend. Nang malaman ko ‘yon parang gumuho ang mundo ko, yung lungkot na naramdaman ko ng papalayo sa akin ay dumoble at higit pa sa lungkot ang naramdaman ko.” Bakit parang hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang lungkot niya? Kitang-kita ko sa kanyang mukha na nakakaramdam pa rin siya ng lungkot.

“Nag-girlfriend ako, pero wala sa kanila ang nagtagal. Kahit anong pilit ko na kalimutan ka hindi ka talaga mawala sa puso’t isipan ko. Kahit may girlfriend ako, ikaw, ikaw pa rin yung naiisip ko at pakiramdam ko ay nagtataksil ako sa’yo kapag may kasama akong babae. Sabi nila nababaliw na ako pero wala eh.. ‘yon talaga ang nararamdaman ko sa’yo. I’m crazy for you, Cassy.” Hindi ko aakalain na mangyayari ‘to sa akin. Ang alam ko ay sa pelikula at nobelang nababasa ko lang nangyayari ang ganitong eksena. Hindi ko aakalain na may magpapahayag ng nararamdaman niya sa akin. Saksi ang buwan, ang poste ng ilaw, ang ilang basura na naka-kalat, mga kable ng kuryente at ilang insekto na palipad-lipad na kung gaano ako kaganda ngayong gabi, may isang ginoo na nagtapat ng kanyang damdamin sa isang binibini.

“Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na muli tayong nagkita. Alam kong masyado kang nabibilisan sa nangyayari but please, allow me to court you.” Kinakabahan ako! Bumibilis na ang pagtibok ng puso ko. “Can we have a date?” Hindi ako maka-sagot dahil sa sobrang pagka-straight forward niya.

“Ooh! Bawal tumanggi.. that’s your punishment.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “Please, don’t do that again. It’s not appropriate for girls na nagba-bad finger lalo na kapag sa lalaki mo ginawa. ‘Wag mo na ‘yon gagawin ha?” Malumanay niyang pangaral sa akin. Hindi ko naman gawain ‘yon, nainis lang talaga ako sa kanila. Yumuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya. Lumingon ako sa mga kaibigan niya, nginitian nila ako at nag-thumbs up pa. Mukhang mababait naman sila, hindi naman siguro nila ako intention na pag-trip-an. Nginitian ko rin sila kagaya ng pagkakangiti nila sa akin at kumaway pa ang dalawang nakasakay sa likod.

“I have a favor.” Tumingin ako kay Ivan na seryosong nakatingin sa mga mata ko.

“Hmm.”

“Pwede bang ako naman ang tingnan at pansinin mo?”

————— The End ——————